Libreng pag-aaral ng organikong pagsasaka, hatid ng AGREA at TESDA

Spread the love

BOAC, Marinduque, Agosto 7 (PIA)—May nakahandang scholarship para sa mga Marinduqueno ang AGREA Farm School katuwang ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) na nagnanais na matuto ng Organic Agriculture Production.

Layunin ng pagsasany na ito na hasain ang kakayanan ng mga kabataan paddating sa organikong pagsasaka.

Ang makakapasa sa scholarship na ito ay makatatanggap ng P60 kada araw bilang student allowance at P500 naman para sa book allowance sa buong panahon ng programa.

Upang mapabilang sa pagsasanay na ito, kinakailangan na ang aplikante ay isang Pilipino, high school graduate at hindi baba sa 15 taong gulang ang edad.

Ang mga kinakailangan na dokumento upang mapabilang ditto ay kopya ng form 138 o report card, limang piraso ng 1×1 photograph (white background), apat na pirasong passport ID (white background, formal), medical certificate, barangay clearance at patunay na mas mababa sa P300,000 ang annual income ng pamilya (hal: annual income tax return o certificate of compensation payment, tax withheld sa nakaraang taon at certificate of tax exemption mula sa Bureau of Internal Revenue ocertificate of indigency).

Para sa mga katanungan ay maaaring tumawag sa (042) 332-0025 o mag-text sa 0946-649-5828 o 0927-198-3835 at hanapin si Lorie Licop. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *