Paano Palakihin Ang Iyong Sariling Organikong Hardin Sa Bahay

Spread the love

Mga tips paano makapagsisimula ng sariling mong organikong hardin ng mga gulay.by Martine De Luna

hardin veggies

Isa sa pinakamagandang paraan na mahikayat ang inyong mga anak na magustuhan ang pagkain ng gulay ay ang pagtatanim nito sa inyong hardin. Higit ding mapapalawig ang ganitong gawi sa pagtatanim ng mga organikong gulay. Bukod sa nababawasan ang gamit ng pestihiyo na kinokonsumo mo at ng iyong pamilya, nakapagpo-prodyus ka pa ng mga ani na makabubuti sa kalikasan sa pagkakaroon ng organikong hardin.

Narito ang ilang tips kung paano ka makapagsisimula ng sarili mong organikong hardin sa bahay gaano man kaliit ang espasyo na mayroon ka.

Sa mga bahay na may bakuran: Gumawa ng garden patch

Magsimula sa maliit na hardin muna. Kung makapaglalaan ka kahit 50 pulgadang parisukat sa iyong hardin bawat tao na iyong kasama sa bahay, maaari kang gumawa ng basic garden. Tandaan na magsimula sa maliit, dahil maaari kang magpatubo ng maraming halaman sa isandaan pulgadang parisukat, basta nakapagtatanim ka nang mabuti. Maaari kang magsimula sa pagtatanim ng isa o dalawang kamatis. Hanggang inaalagaan itong mabuti at hinahayaang tumubo, maaari kang mag-ani ng dosena ng kamatis sa isang pagtatanim na malusog at masaya. Sa pag-iipon mo ng maraming karanasan, maaari kang magdadag ng iba pang tanim gaya ng lettuce o iba pang dahon, na madaling alagaan.

Gumamit ng lupa na walang lason o toxic-free sa iyong organikong vegetable patch

Ang iyong lupa sa regular na hardin ay hindi puwede rito. Ang mabuting paraan para malaman na ang iyong lupa ay toxin-free ay pagtawag sa local organic farmer at pagtatanong sa kanilang pinagkukunan ng lupa.Sa tamang halaga, ang mga tagapagpatubong ito ay maaari ka ring matulungan na makipag-ugnayan sa mga eksperto sa agrikultura na maaaring suriin ang iyong lupa at bigyan ka ng kompletong pH at nutrients level nito. Sa bahay, dagdagan ng magandang lupa sa pamamagitan paggawa ng sarili mo. Magsimula sa paggamit ng de-kalidad na compost, sundan ng 2-4 na pulgada ng damo o tuyong dahon bawat leyer at sapat na tubig. Sa pamamagitan nito, makagagawa ka ng magandang lupa para sa iyong panananim.

Kapag handa ka nang magtaning, bumili ng mga halaman na madaling patubuin

Kung nagsisimula ka pa lamang sa pagtatanim ng gulay, bumili ka ng mga halaman mula sa mga organikong magsasaka. Matutulungan ka nilang magsimula ng iyong hardin na may tamang halaman, iyong madaling patubuin. Ilan sa mga halaman na madaling itanim ay green beans, alugbati, karot, pipino, at herbs gaya ng basil at oregano.

Para sa maliit na bahay o paupahan: Container gardening

Kung may limitadong espasyo ka lamang, ang itaas ng bubong, o kahit na sa maliit na balkonahe na nasisikatan ng araw, makabubuti ang container gardening para sa iyo. Ang pagtatanim ng mga organikong halaman sa paso ay maaaring makapagbigay ng ganda sa iyong lanai o kahit sa iyong bubungan. Madali lang din itong maililipat-lipat para makakuha ng sapat na sinag ng araw o ilagay sa malilim kapag sobrang tindi ng init.

Magsimula sa paglalagyan ng lupa ng iyong contaider gardening

Kumuha ng ilang magagandang dumi mula sa iyong organic soil, at ihalo ang isang part ng lupa sa isang parte ng compost at isa naman sa buhangin. Dagdagan ng ilang tuyong dahon o damo na makatutulong sa mixture na mapanatili ang maraming tubig.

Kumuha ng tamang paso, lata at plastic na lalagyan para sa iyong container garden

Gumamit ng iba’t ibang laki, hugis, at kulay. Maaaring ang mga bagay na araw-araw ginagamit gaya ng galvanized bucket, old terracotta pots, o malaking colander. Kakailanganin mong maglagay ng maliit na butas sa mga ito upang hindi malunod ang halaman;  magagawa mo ito sa pamamagitan ng barena o martilyo at malaking pako. Lagyan ng butas nang mas marami, saka ito balutan ng windrow screen para hindi lumabas ang lupa.

Magtanim ng gulay na puwede sa container gardening

Maaari kang bumili ng cherry tomatoes at sili, lettuces at ibang greens, spinach, herbs, sibuyas at karot; tumutubo ito nang mabuti sa mga container hanggang nakakukuha ito ng anim na oras na sikat at init ng araw kada araw.  Tandaan na basain ang lupa na mahusay na nahalo sa hiwalay na lalagyan bago ang pagtatanim ng iyong halaman. Ganito rin ang gawin kapag nagtanim ng bulaklak o gulay: Una, ilagay ang halaman sa gitna ng container, tapos dagdagan ng lupa ang paligid nito, at dahan-dahan na pitpitin ang gilid ng halaman, mag-ingat sa paglalagay ng lupa na hindi umabot malapit sa bunganga ng paso.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Pangkalahatang tips para sa ogranikong paghahardin 

Hayaan na magkaroon ng sapat na init ng araw.

Tiyakin na nakakukuha ng sapat na init ng araw ang iyong halaman nang 8 oras sa buong araw. Mahirap lamang ito tuwing tag-ulan, kaya kumonsulta sa mga weather stations bago magsimula ng iyong hardin. Ito ay dahil kakailanganin ng iyong mga halaman ng maraming liwanag at init para sa photosynthesize.

Diligian ang iyong halaman nang mabuti.

Ito ay talagang mahalaga sa container garden, na madaling matuyo agad. Ang isang vegetable patch sa iyong bakuran ay puwede na sa isang magandang pagdidilig kada araw, pero para sa container garden, kailangang mong diligan ang iyong mga halaman ng dalawang beses. Ang tuntunin, dapat mong hintayin na tamang tuyo na ang lupa sa iyong container bago diligan ulit.

Lagyan ng pampataba.

Maaaring bumili ng compost-based organic fertilizers sa mga lokal na organic farmer. Maaari itong plant-based o mineral-based, o maaaring gawa sa dumi galing sa mga hayop. Ang mga organikong pestihiyo ay hindi nagtataglay ng sangkap na genetically-modified organisms, para makatiyak tingnan ang label at magtanong sa organic famer tungkol sa kanilang produkto. Anuman ang iyong gusto, tandaan na ang pestihiyo ay mahalaga upang yumaman sa pataba o maging masustansiya ang lupa. (Ang container garden, sa partikular, mas kailangan ng pestihiyo kumpara sa vegetable patch sa iyong hardin.)ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Kontorlin ang mga peste.

Dahil di ka gagamit ng artipisyal na pestihiyo o synthetic para sa iyong ogranikong hardin, kailangan mo ng tamang kagamitan na makatutulong sa iyong mga tanim na tumubo nang maayos at malusog na walang problema. Kahit na nagtanim ka sa container garden o vegetable patch, problema ang pagkakaroon ng peste. Ang makabubuting gawin para makaiwas sa peste ay panatililihin ang iyong tanim na may sapat na dilig ng tubig para hindi matuyo (nakahihikayat ng peste ang tuyong dahon). Para sa aphid, kailangan mong tanggalin ito sa pamamagitan ng kamay. Maitataboy ito sa pamamagitan ng pag-spray na gawa sa bawang na may kasamang sulfur na toxic sa mga peste. Para gawin ang spray na ito, hiwain nang manipis ang tatlo hanggang apat na talop ng bawang, at idagdag ito sa dalawang kutsaritang mineral oil. Ibabad ito nang magdamag. Dagdagan ng patak ng liquid dish soap. Gamitin ang dalawang kutsara ng solution na ito at ihalo sa kahalating tubig ng spray bottle kapag kailangan mong mag-spary sa iyong halaman.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Panatilihin ang iyong organikong hardin

Kung ikaw ay may vegetable patch sa bakuran o container garden, kailangan mong maglaan ng sapat na panahon para mapanatili ito. Tandaan na bigyan ito ng panahon na tumubo at lumago at maging matiyaga sa pagdidilig ng mga halaman, pagpapaaraw sa kanila, pag-aalaga ng lupa at pagpaalis ng mga peste.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *